Ginalingan
Conversation ko sa kaflat ko;
Sister not catholic: Catholic ka pala?? Kayo yung sumasamba sa santo (puon) diba??
Ako: (pabirong tugon) OPOOO!!! (sabay ngiti)
Sister not catholic: bakit ba sumasamba kayo sa mga ganon, mga bagay lang yun gawa ng tao?
Ako:(naprangkahan, pero naisip ko praktikal yung tanong nya)
Mas mapapamahal ka kasi sa Kanya kung may mga bagay na madalas magpapaalala sayo kung gaano KANYA KAMAHAL TALAGA.
-kung bagay ang nagiging dahilan para humina ang pananalig natin sa Kanya,
Bakit hindi nalang din bagay ang maging daan para lumakas ito?
Kung midya at gadyets ang umaagaw ng atensyon natin sa Kanya,
Bakit hindi nalang midya at gadyets ang maging paraan ng paglilingkod natin sa Kanya,
Kung pera mo ang dahilan ng pagiwas mo sa kanya,
Bakit hindi nalang pera mo ang maging katunayan ng ugnayan nyong dalawa.
Kung katayuan mo sa buhay ang sa tingin mong hadlang,
Bakit hindi nalang ito ang gawin mong dahilan kung bakit mas higit mo Siyang kailangan,
Kasi, kahit si bes mo pa ang dahilan, ay siguradong gagawa't gagawa parin Siya ng paraan para Hindi mu Siya makalimutan.
To God Be the Glory.
Comments
Post a Comment