Kailan mo kaya iyan kayang sabihin?
Pagkatapos ng lahat ng mga suliranin..
Taimtim na dalangin na iyong minimithi
Nagtataka at nalilito kung paano ito nangyari?

Sinubukang sundin mga payong paulit ulit
Hindi mo namamalayang lumalakas ang kapit
Pagdarasal at pagsunod sa Kanyang mga utos
Na alam mong ikinalulugdan Nyang lubos

Di alintana napansin unting unting dumarating
Bagay-bagay, adhikain at mga simpleng hiling
Ating mga Pusong natuwa at napatalon sa saya
Kaya mo bang ipagsigawang "ito ay sapat na"

Walang maikukumpara sa ligaya nitong hatid
Susuungin haharapin at lalagpasan mga balakid
Ngayon alam mo kahit nalulumbay at naghihikahos
Naniniwala ka na di tayo papabayaan ng ating Diyos

Comments
Post a Comment