Skip to main content

Diyos ang Ligaya By Sis Combelle Arcega

 Ang Diyos ay ligayang ating buhay
 sya ang dahilan sa araw-araw na buhay
 pagkat sa kanya lang natin naramdaman
 pag-ibig na walang hangganan

 ilang beses man tayong madapa
 alam nating luha'y mahuhupa
 pagka't siya ay di mawawala
 sa lungkot na ating dinadala

 patuloy mo kaming gabayan
 pati na rin ang aming bayan
 pagmamahal mo ama'y lumaganap
 upang pagkakaisa ay makalap

 ikaw ang buhay at pag-asa
 ng pusong naming umaasa
pagmamahal mo sa ami'y ibinigay
 kasalanan nami'y sa krus iyong tinangay

pasasalamat aming itinataas
 sa buhay na iyong pinamalas
 hindi man sapat ang sambit ng bibig

 hayaan mong paulit ulit na madinig

Comments